Tuesday, April 13, 2010

usapang ligaw sa toilet bowl

Isang araw sa cafeteria sa iskwelahan namin kung saan matatagpuan ang napakamahal na omelet ngunit puro keso lang ang laman, habang kumakain ng pinagbabawal na pagkain, out of nowhere, bigla ko nalang natanong sa aking kaibigan na mukhang cartoon ang tanong na ito... "paano mo malalaman kung naliligaw ka na? o kung papaunta ka na doon sa lugar kung saan maliligaw ka na?" sumagot naman ng mabilisan ang kaibigan kong si hello kitty "hindi mo malalaman yun unless nandoon ka na" napatigil ako. hindi dahil sa nabigla ako sa nassabi niya kung di' dahil pinoproseso ko pa sa utak ko ang kanyang sinabi. gusto ko sanang namnamin ang mga bawat salita na kanyang binitawan pero napaisip ako bigla kung bakit ko natanong ang tanong na yun sa gitna ng nagmamahalang omelet at limitadong oras ng pagrereview bago mag final exam. ayun naalala ko! naitanong ko pala yun sapagkat noong kinagabihan ng araw na yun, nadedejavu ako... sa isang bagay, isang lugar kung saan parati akong nawawala. Noong gabing iyon naisip ko, bakit ba may mga taong nag sasabi na kailnagn muna nilang hanapin ang mga sarili nila... napaisip ako kung paano nila nalaman, o malalaman na mawawala na sila, o kung papunta na sila doon, at kung paano nila sisimulan hanapin ang mga nasabing sarili... at kung nahanap na nga nila ang sarili nila, anong gagawin nila pag katapos non? athigit pa non, saan at paano nilang natagpuan na nga nila ang kanilang mga sarili? Hindi ako nakatulog noong gabing iyon dahil pinipilit kong pinipiga ang kakaramput kung utak na maglabas ng taeng sagot. sumikat na ang araw hindi ko parin nakuha ang sagot.

Madalas noong mga bata pa kami lagi kaming tinatanong ng aming mga magulang kung ano ang gusto namin maging pag laki.

Mama: anak, ano gusto mo maging pag laki mo?
Ahya: maging taxi driver!
papa: oo maganda yon anak, hindi ko na kailangan magover time!
me: maging doctor ma!
*hai salamat may nakuha akong anak na may mataas na pangarap. *ehem*
meme: maging yaya ma!
*wow. how charming.

Pero nangmaktutong akong ng grade skul, umiba ng umiba ang aking gusto dahil napagtanto ko na maraming kailangan aralin pag doktor ka at hindi ko kayang makakita ng mga lumuluwal na mata, natatapias na tenga, at tinatahing bibig tuwing bagong taon kaya naman naglaan ako ng oras para isipin mabuti ang bago kong gusto.

gusto ko maging inbentor! pulis! assassin! at ninja! ayoooos! may bago na kong pangarap!

Nagbago ang mga pangarap na to' noong nakatungtong ako ng hi-skul kasabay ang paglipat ng eskwelahan, nagbago rin ang aking mga gusto. hindi ko alam kung anong laman lupa na sumapi sa akin noon pero naging babae ako kaunti kumilos kahit na ang sapatos ko noon at binili sa boys seksyon ng mga pre-teens kung saan may ninja turtle ang desenyo at de sintas pa! nalaman kong noon na gusto ko maging interior designer, o kaya fashion desginer, pintor o kahit anong walang kinalaman sa mathematics. Napansin ko kasi ang hilig ko noon sa arts doon lang kasi ako umeexcel maliban sa christian living. Pag katutong ko ng 4th year. ayan patayan na. sukatan na ng mga isip. may bonus pang kailngan mamili. anak ng tinapa. ang hirap mamili! yun ang pinaka ayoko e, un tipong kailangan mo gumawa ng desisyon na dapat libong beses mo pinagisipan dahil ito ang magdidkta ng iyong kapalaran at kung saan ka pupulutin balang araw. pinagpapawasisan ako ng malamig. parang deal or nbo deal. its now or never ang drama.

doon ko nalaman na matagal na pala akong ligaw. sa dami kong gustong gawin at marating sa buhay ko, hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit at kung saang puno ko pipitasin ang mga sagot sa mga katanungan ko.

tik-tak tik-tak........................

krooooooooooooo.............krooooooooooo............

ang tagaaaaaaaaalllllllllll............

ano ba ang gusto ko???

kailangan hanapin ko ang sarili ko at ang gusto ko.

Dahil wala akong pera para mag bayad sa detective para hanapin ang sarili ko, nag mistulang ermitanyo ako at nag lakbay mag-isa. sabi ko sa sarili ko: "patay ka sakin, pag na huli kita, hinding hindi na kita papakawalan" ayon. nag punta kong patunguong mundo ng kawalan kung saan ang daan papunta roon ay madilim, makipot, at mahirap. makalipas ang ilang taon, sumuko rin ako. sumakay ako ng jeep pauwi, sa pwesto sa bandang dulo, ang paborito kong pwesto kung saan ako nakakapagteleport. nakarating ako sa bahay at dumeretso kay mr,. toilet bowl para magbigay galang. umupo ako at nag-isip kahit na yun ang pinaka ayaw kong gawin.

Umalis ako kasama ng ako. Umuwi ako kasama ng ako. walang nangyari. Kung sino ang umalis, yun din ang bumalik. naligaw pa.

May nangyari ba?

sapalgay ko meron. bukod sa napuno ng polusyon ang aking ilong, nalamann ko ang sagot ay makukuha mo din sa sarili mo. Kailangan mo lang siguro buksan ang puso mo para malaman kung ano talaga ang laman nito. kung hindi mo parin alam, subukan mo namang buksan ang kidney at atay mo baka naroon ang sagot, wag ka magabagag *mali ata spelling* o basta don't worry malalaman mo rin yun.

Sa opinyon ko, mahalaga na malaman mo kung sino ka at kung anong gusto mo. para lubusang maging masaya. hindi ba yun naman ang hinahangad ng karamihan sa atin? ang maging masaya? may mga bagay tayong sinasakripisyo para makuha ang kaligayahan, mga bagay na isinasantabi para makamit ito at bagay na binbitawan para lang mahawakan ito ng buong buo. Kailangan mong makilala kung sino ka para malaman mo kung ano at kung saan ka sasaya. Dapat may saya para may sigla ka sa mga bagay na gagawin mo, para makulay ang sinabawang gulay at higit sa lahat para maasam mo kung ano ang minimithi mo.

P.S. nakikipag session parin ako kay toilet bowl :)

P.S.S. hindi mo kailangan mag madali para hanapin ito,. take your time :)



photo & drawn by: Von Richthofen Kwok

7 comments:

  1. "krooooooooooooo.............krooooooooooo............"

    Woooo! A party! Anyone for burger and fries? :))


    PHIL

    ReplyDelete
  2. magabagag *mali ata spelling*


    Hehehehehehe. :))

    ReplyDelete
  3. Nice blog. Hopefully, you'll find your way, restless wanderer, hermit and ninja. Look into yourself and know what you want--choose one if you have many, and go for it passionately. 'Di pwedeng marami eh. Isa lang na major, tapos sasabit na lang 'yong iba. Good luck na lang sa'yo at sa toilet bowl.

    ReplyDelete
  4. Isang araw sa cafeteria sa iskwelahan namin kung saan matatagpuan ang napakamahal na omelet ngunit puro keso lang ang laman
    ....gusto ko maging inbentor! pulis! assassin! at ninja! ayoooos! may bago na kong pangarap!

    ... very well written, I read all your posts, reminds me of my other blog and oh I remember our cafeteria days at taft but it was waffle not omelet which was overpriced then :]
    hope you don't mind I linked your site.
    goodluck and do write more

    ReplyDelete
  5. sure sure. no problem sir :) thanks. :) lalo na sa time sa pag abbasa ng mga to :)

    ReplyDelete