Tuesday, April 20, 2010

tandaan mo hindi ka rin niya pinili



Pinili mo ang sarap
ngunit hindi ang saklap
sinubukan mong itanggi
dahil hindi pa naman daw gaanong malaki
ayaw mong makarinig ng iyak
kaya't pilit na itinulak
ayaw dalhin
dahil ayaw tanggapin
Pilit na binabaon sa limot
ngunit hindi parin makalimot.

ngunit, subalit, datapwa't
sa likod ng iyong utak gustong sulyapin...
maaring hanapin at kung pwede pa nga't yakapin
mga tanong sa isipan kung paano siya ngumiti
at ano ang kanyang mga minimithi
kunwari ay nakangisi
pero ang totoo ay nagsisisi

Alam mong maraming maaring maging
at alam mong sususbukan pang maging magaling
Kung binigyan mo lang sana ng pagkakataon
ang matagal mo ng binaon
maaring manunulat, doktor, pintor o pulis
o di kaya naman kahit tagatak lang ng pawis
Ang unang pagpadiyak ng bisikleta
o paglaruan manlang ang mga kariton at tela...
Alam mong kayang magtagumpay
sa tulong ng iyong gabay.

Sana nga'y nakakita ng bahaghari
ngunit sa ksamaang palad ay hindi binahagi.
sinabi mong hindi lang magiging maganda ang buhay
kaya't pinili mong tanggalan ng kulay
Lahat ng panggarap, saya, at pagmamahal ay hindi naranasan
dahil sa iyong kalupitan
Tunay ngang hindi pantay pantay
ang pagpili ng maagang buhay...

hindi mo man siya pinili at ginusto...
sana naisip mo... hindi ka rin niya...
....




picture from Google





1 comment:

  1. This poem really makes me cry. A tagalog version of our RC project. :((

    ReplyDelete