*isinulat ito noong season ng mga break-up last year.
Maraming naghihiwalay na mag kasintahan dahil daw hindi tama ang oras. Hindi ko alam kung palusot lang nila yon o gusto lang hanapan ng magandang pagbubuntungan e, pero doon ata na derive yung ka sabihang "we have the right love at the wrong time" sabi nga ng mga ibang nagmamagaling na nilalang... "There's a time for everything" daw. at sabi nga doon sa isang pelikulang pinagaksayahan ko ng 300 pesos e, ang pag-ibig daw, may sariling time frame, hindi daw pwedeng ipilit. Siguro nga tama, naisip ko lang at kung pwede ko lang tanungin... Kung totoo ngang may sariling time frame ang pag mamahal ibig sabihin ba non may expiration date? tipong parang time's up pass your papers ganon?! e pano kung hindi sapat yung time frame na binigay ng mga bathala para sa dalawang taong nagmamahalan? kasalanan bang huminge na kaunting palugid? Kung may totoong time frame ang pagmamahal... Kailan mo masasabi na tama na ang panahon na iyon para sa inyong dalawa? at hanggang kailan mag tatagal ang "tamang panahon" na iyon para sa iyong dalawa? At kung pag mamahal may sariling time frame... ang time ba may sarili ring time frame?
gusto ko malaman ang mga sagot sa mga katanunganna to' hindi dahil gusto ko lang magkaroon ng katapusan ang pagiging mangmang ko dito kung hindi gusto ko rin maging handa sa mga darating na pagmamahal... naks! hahah
Nagkausap kami ng kaibigan kong si golda, nasabi niya sakin "ang daya naman, namiss ko nanaman ang chance ko!" masakit man isipin, kadalasan sa buhay... iisa lang ang pagkakataon na ibinibigay sa atin ng tadhana. bahala ka na kung kukunin mo o hindi. Malimit lang ang pagkakataong na nagkakaroon ng pangalawang pag kakataon *ano raw?!* Sabi ko nga sa kaibigan ko, sana mayroong remote control na kung saan pwede tayo mag rewind pag nasakatan tayo, at pwede iforward pag ayaw na natin ang eksena. pero pasalamat rin tayo na wala, dahil kung mayroong ganon, malaking pursyento na hindi tayo matuto. pero kahit ganoon... gusto kong isipin na possibleng magkita ang dalawang tao sa iisang panaginip, sa parehong panahon, at sa limitadong pagkakataon. isang lugar kung saan pwede sila ulit magkita. second chance narin siguro, pero kadalasan, second chance hindi para mag simula ulit, kung di' para ayusin ang ending.pero hindi tulad sa mga pelikula kung saan laging nag kikita ang leading man at leading lady parati by coincidence! kanibukasan lang pag katapos magkakilala magkikita ulit sila by chance sa mrt, sa ilalaim ng punong mangga, o kung saan saan na merong mga fountain, fireworks, at romatikong kanta. syit yun! at kalokohan ding parehas sila parati ng kulay ng suot! para kunwari meant to be daw! epal! Naniniwala akong kahit maliit ang mundo, nagiging malaki naman ito pag dating sa paghahanap ng minamahal...
At dahil sa ang dami kong pinaniniwalaan sa buhay maliban sa mga aswang at mga katang isip, naniniwala rin akong, minsan at kadalasan iisa lang ang chansa mo sa halos lahat ng importanteng bagay. kaya't kung pakiramdam mong kaya mong makipagsapalaran at masugatan para lang makuha iyong bagay na yon, kunin mo na, sapagkat wala ka namang bagay na hindi mo kayang isugal kung hindi mo naman ito mahal. Paalala kaibigan, mabuti ng mahulog sa bangin kesa naman mabagsakan ng ufo dahil sa hindi pag galaw dahil sa takot. Mabuti ng sumubok at mabigo kesa naman sa hindi ka nag tangka. naalala ko nga doon sa isang report ng kaklase ko *yes naman nakikinig ako!* "Twenty years from now, you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sail.Explore. Dream. Discover." Kung sino man ang nagsabi nito, pasensya na at hindi kita kilala pero bilib ako sayo dahil pwede kang pampalit kay kuya kim sa matanglawin :)
Tingin ko ganoon ka din dapat katapang pag dating sa pag-ibig. Tulad ng isang motto kong sapilitang ipinaglaban sa isang beauty contest "You shall pass this place but once, therefore, if there's anything that I can do to my fellowmen, let me do it now, for I shall not return haha!" kaya nga let's stop often and enjoy the view. Masarap mainlove, pero masarap ang patuloy na naiinlab!!! hanep! pakshet! bwiset! Kaya kung may maiibibigay kayong pagmamahal... ibigay niyo na sakin. chos! Basta mga dude, gawin niyo lang ang tingin niyong dapat gawin. Kung may oportunidad kang paligayahin siya, gooo! maging oportunista ka! Sabi nga ng taong minsan na nagpatibok sa aking puso *ayee. hehe may you rest in peace* kalokohan daw ang kasabihan na "if you love her set her free" kasi para sakanya, kung mahal mo ang isang tao, huwag mo na itong pakawalan. pero labs, may sad part doon e. paano kung hindi talaga siya masaya sayo diba? doon tayo talo. salpak ang mukha sa inidoro. basag. anyway... may kanya kanya naman tayong opinyon tungkol diyan. basta ang masasabi ko lang...may time frame man o wala, mag mahal ka ng tunay. kung hindi mo rin naman mabibigay ang buong pag mamahal mo, huwag mo nalang ituloy. huwag kang papasok sa isang relasyon nang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, dahil mahirap yon. tandaan mo pakner, bilang lang ang oras. huwag na natin itong sayangin sa maling tao.
P.S. ibinabahagi ko ito sa mga taong nainlab na, sumusubok mainlab, pinipilit mainlab, gustong mainlab, at pati narin sa mga taong tapos na mainlab. at sa isang taong minsan na nagpatibok ng puso ko ngunit hindi pinayagan ni tadhana.
No comments:
Post a Comment