nakasalang na puwet, kumukuyakoy na mga paa... mga matang mataimtim na nagmamasid. bawat galaw, bawat kumpas ng mga bahagi, bawat detalye, pinagaaralan. korte ng mga labi-- mabilis ang galaw, iniiwasang kumurap. dahan-dahang pinagmamasdan. kinukubli ang inet ng araw. pawis na naguunahan. mainit na buntong hininga. lahat ay masid, atensyon mang hindi kasing silaw... uniti-unti namang hinuhubaran. bawat salita mo, binubuo ng imahinasyon ng iba... hinuhubog ka unti-unti.
pinaniniwalaan kung anong abot ng mata, hindi inaatubili kung may katotohanan o wala. mga tanong sa isip sabay-sabay na sumisiksik kahit ang katangisip ay hindi pahuhuli...
dahan-dahang dinudungisan, unti-unting pinipitasan...
walang kaalam-alam dangal na nababawasan...
isang araw magigising nalang hubo't hubad na ang katawan.
No comments:
Post a Comment